Текст песни
Ikaw ang rason ng mga ligaya ko
Ikaw ang tanging nagsilbing liwanag ko
Sa bawat araw na dumaan, ‘di na namalayan
Ang pusong bato’y kaya pang magmahal
‘La ng ibang inisip kung panong taglay
Ang gagawin sa tanging ikaw
Nais kang isayaw
Paikutin ang kamay
Habang sumasabay sa padyak ng paa
Sa tibok ng pusong puno ng mahika
Ikaw ang aking pahinga
Bitaw ang hindi gagawin ng puso ko
Maligaw man ang landas ako’y patungo pa ‘rin sa’yo
Mga linggong dumaan tuloy na namalayan
Ikaw ang panaginip sa isip ko
‘La ng ibang inisip kung panong taglay
Ang gagawin sa tanging ikaw
Nais kang isayaw
Paikutin ang kamay
Habang sumasabay sa indak ng paa
Sa tibok ng pusong napuno ng mahika
Ikaw ang mahal ko’t pahinga
Dumating na ang araw oh puno nang kaba
Pusong dating bato ngayo’y magaan na
Binaba ang ‘sang tuhod, nanginginig pa
Sa pagbilis nang tibok sumabay ang pagluha
Matamis mong “oo” hiniling kay bathala
Ang tamis ng halik, tila’y nasasabik
makitang, tayo’y isa na
Nais kang isayaw
Paikutin ang kamay
Habang sumasabay sa padyak ng paa
Yakap mong mahimbing puno nang mahika
Ikaw lang sa walang hanggan
Комментировать