Текст песни
Ito’y isang awitin, sa isang dilag
na para bang anghel na hindi lumilipad
Mukha ay parang obra,
binasbasan ba ng ganda?
Ang hirap mong limutin
Paano aaminin?
Bakit parang natutulala?
Ah alam ko kung bat pala,
Ito ang kwentong pantasya
Oh di mo ba alam?
Pag suyo lang ang palanlaban
Marinig ang iyong pangalan
Ibang kaba na ang nararamdaman
Pakiusap ko lang
Na sana’y mapagbigyan
Patunayan ang pelikula
Baka ito na nga ba ang simula
Tatlong linggo na ang lumipas
Wala pading landas
Ubos na ating oras
Wag na ipagpa bukas
Hindi mo ba pansin?
Pwede ba akong humiling
Ng pagkakataon makasama
Makapiling pang habang buhay na
Oh di mo ba alam?
Pag suyo lang ang palanlaban
Marinig lang ang iyong pangalan
Ibang kaba na ang nararamdaman
Pakiusap ko lang
Na sana’y mapagbigyan
Patunayan ang pelikula
Baka ito na nga ba ang simula
Simula ng mga istoryang puno ng pantasyang
eksena
Kulayan natin ang mundong tayo’y tinadhana
Walang sumpa na kahit ano ang makakasira
Tayong dalawa lang ang mamamahala
Oh di mo ba alam?
Pag suyo lang ang palanlaban
Marinig lang ang iyong pangalan
Ibang kaba na ang nararamdaman
Pakiusap ko lang
Na sana’y mapagbigyan
Patunayan ang pelikula
Baka ito na nga ba ang simula
Ito ang awit ng pantasya
Комментировать