Обложка трека Tula — Crash
5:20

Crash Tula

Сингл · 2025

Скачать

Текст песни

Sa kalaliman ng hating gabi
Sa bawat sulok hinahanap ang tahanan
Na nais kong matagpuan
Kahit na tangayin pa ng hangin
Umaasang mararanasan ko ang liwanag, kumikislap-kislap
Sa gabi na mapanglaw
Tumawag sa'king puso ay ikaw
Sa paglipas ng panahon
Nakaukit pa rin ang sinabi mo noon
Ang sabi mo noon
Pahinga ka muna kahit saglit
Sandal ka sa’kin bago dumating
Ang kinabukasang wala ka na rito
O kay bilis ng takbo ng oras
Mananatiling ikaw pa rin madalas
Ang nasa isip ko
Kung sana’y nakita lang nila
Kung gaano ka kahalaga
Baka makuha na nila
Ba’t hinahanap-hanap kita
Bawat segundong nawawala
Balewala ang harang sa daan
Napapaisip na lang
Naaalala mo pa ba?
Ang lahat ng tulang sinulat ko
Sinulat ko sa’yo
Lahat ng kabutihan ng buhay
Nararanasan ko ang kagandahan
Nung natagpuan kita, kaya
Pahinga ka muna kahit saglit
Sandal ka sa’kin bago dumating
Ang kinabukasang wala ka na rito
O kay bilis ng takbo ng oras
Mananatiling ikaw pa rin madalas
Ang nasa isip ko

0:00 0:00